Para sa mga rating na bagito (First timer) sa pagba-barko.
Ano ba ang SEAMANSHIP? Kailangan ba ito? Gaano ito ka-importante sa barko? sa taga kusina? (Galley), taga makina? (Engine), at taga kuberta? (deck). Ano ba talaga ang magiging trabaho pag dating sa barko?. Alam mo ba? Ilan lang ito sa mga katanungan na nagbibigay ng pagkalito sa isipan, kaba na pumipigil sa atin, at kadalasan nalilimitahan din nito ang ating galaw lalo na't kung hindi natin alam ang mangyayari o kakalabasan sa ating daratnan onboard.
Mahirap ang mangapa,ang sabi nga di ba? pero sang ayon ka'man o hindi, normal na nangyayari yon. Sabagay may ugali tayong mga pinoy na bago tayo kumikilos ay pinag aaralan muna natin, nagmamasid sa kapaligiran, at pinag iisipan. Tanggapin na natin yan, lahat nama'y nagsisimula sa walang idea kung ano ang trabahong naghihintay sa barko (Ganito rin ako mag isip noong hindi pa ako nakakasampa). At isa pa hindi tayo kumikilos hangga't hindi tayo sigurado sa ating gagawin di ba?. Yan ang isa sa mga katangian na likas sa 'tin. Kung naniniwala kayo don? Alam ko na magiging ayos ka lang sa ano mang barko, sa cargo, sa passengers, o sa vlcc at tanckers at sa ano mang sitwasyon. Pagtitiwala sa sariling kakayahan At ang importante ay respeto sa mga nauna sayo, sa EXCREW (excrew ang tawag sa mga Officers at ratings na pabalik balik sa barko o sa kaparehong manning agency) Sila ang tutulong, magtuturo, maghuhubog at gagabay sayo. AT kung maganda ang samahan, maganda rin ang kakalabasan At ang lahat nang yon ay papabor sayo. Sa blog na ito, inyong mababasa ang mga sagot sa mga katanunungan at alalahanin sa inyong isipan Lalo't hindi pa nakakasakay ng barko. Tatalakayin ang mga normal na gawain (routine works) at trabahong pangbarko at mga diskarte. Ito'y Para magkaroon kayo ng idea (kodigo na rin) sa mga trabahong barko bago pa man makasampa. kailangan naka handa tayo at always think ''safety first'' ika nga na mga marino. kailangan alamin kung ano ba ang magiging trabaho onboard. Baka Kasi naka depende lang tayo sa mga kwento ng mga kakilala, kay kuya, tatay, pinsan, uncle, kaibigan at teacher sa school. Na halos lahat nang kanilang kwento ay naka focus sa kani-kanilang magagandang sea experiences at sa mga maga-gandang lugar sa iba't ibang bansa na kanilang napasyalan at siyempre ang nag gagandahang tsiks. Dito palang sa kwentuhang tsiks ay solve na kayo. gugustohin nyo na agad mag seaman, ang iba nama'y gustohing sumampa na para ma-experience ang buhay seaman. Pero teka bago yan, pag usapan muna natin ang mga trabahong naghihintay sayo sa barko. Safety first muna!! Baka uuwi kang may kulang sayo o naka kahon, Wag naman..di ba? Iba kasi ang sa kwento lang at sa tunay na buhay ng isang marino, pwera lang ang kwento sa mga tsiks... kasi Salute ako dyan. dumaan din tayo dyan eh..lol!!!
Ok yan na lang muna, marami pa sana akong isi-shared na mga kwento at mga sea experiences at adventures. kaya lang baka lumayo tayo sa topic natin At kung isusulat ko baka gustuhin nyon nang sumampa agad. ganoon? katindi? ang hapdi? este, kasarap!!! Sa susunod na lang promise!! kung nagugustuhan nyo ang kwentuhan natin ipo-post ko rin yun in the future. ''buhay marino'' o ''seaventures'' ano ba magandang title? parang mas gusto ko yung seaventures, magandang pakinggan parang movie title di ba? Anyway, Email nyo ako at mag comment at isulat ang gusto nyong topic okay...
Ayos ito! keep on posting..
ReplyDeleteAng magtrabaho sa barko ay isang opotunidad na makapag papalawak ng iyong kasanayan at kaalaman sa mundo. Lubha nga masarap kapag matrabaho sa barko. kung nangangailangan ka trabaho punta ka lang dito NSMS- north sea marine
ReplyDelete