Saturday, November 12, 2011

Paano Gumawa ng Bow line





fig. A 
Step 1. Gumawa ng ''Zero'' na nasa ibabaw nakapatong ang tali. Maaaring gawing 1 isang dangkal  or more, depende sa paggagamitan ang tali na nasa labas o dulo.







fig. B
Step 2. Ipasok ang dulo ng tali sa ''Zero'' pailalim tulad ng nasa picture. 






fig.C
Step 3.Padaanin sa ilalim ang ipinasok na dulo ng tali.






fig.D
Step 4. Ipasok ulit ang dulo ng tali na nasa ibabaw sa ''Zero'' hanggang sumikip ang tali.





fig. E
At eto na ang  Finish product natin. You just did a Bow line. Simple lng di ba.

Thursday, November 10, 2011

Paraan ng Pag Gawa ng Paint Can

                                                                                                     






fig. A of Step 1
Step 1. Ihanda ang mga sumusunod na mga tools na gagamitin sa gawain. 
          - Carpenter hammer
          - Bosun knife (can opener kung meron) 
          - Nail ( pako )
          - Wire
          - Pliers






fig. A of Step 2
Step 2. Kumuha ng empty can. Tanggalan ng rim ang lata sa pamamagitan ng bosun knife.  






                                     
fig.B of Step 2
! Maaaring gumamit ng ''Can Opener'' para mas safety. Pitpitin ang rim ng lata , make sure na walang  naka usling piraso para di maka pansugat sa gagamit. 







fig. A of Step 3
Step 3. Lagyan ng butas ang bawat tagiliran ng lata,  mga 2cm ang layo mula sa rim.  







                           fig.B of Step 3                                      
! Ito ang magsisilbing  butas ng ating magiging handle. 







fig. C of Step 3
! Lakihan ang butas sa tamang laki ng gagamiting  wire handle.







          
fig. A of Step 4 
Step 4. Isuot sa magkabilang butas ang bawat dulo ng wire






fig. A of Step 4
Step 5. Gamitan ng Pliers sa pagtupi ng wire sa bawat dulo.  Make sure na hindi sagabal  o makakasugat ang wire.







fig. A of Step 5
!This is it, ito na ang finish product natin. Maari ring gumamit ng iba pang bagay tulad ng;
        - Empty thinner can ( Hatiin sa gitna )
        - Empty plastic bottles ( mineral, liquid soap, atp.)
        - Empty coffee can ( tulad ng sample natin )


Saturday, October 29, 2011

Interview with the crews

Interview with the crews (testimonial)

Statements ng mga officers and ratings tungkol sa SEAMANSHIP.

TAI-PAN ED VALDEZ
LICENSED 2nd officer

  * Ano sayo ang SEAMANSHIP?
        Tungkol ito sa trabaho sa barko. Gaya ng rope handling, mooring at anchoring operations. Paggamit ng mga equipments gaya ng crane, mooring winch, safety equipments, mga working aloft na mga kagamitan, maintenance ng barko at ng mga equipment. pagpintura, paggrasa at iba pa.

  * Paano mo ito natutunan?
        Nagsimula ako sa pagbasa ng libro tungkol sa seamanship, sa libro ko nalaman yung mga tamang "paraan". Pero halos lahat ng nalalaman ko sa seamanship, ay natutunan ko sa barko, sa aktuwal na trabaho.

  * Ano-ano ang iyong ginagawang hakbang o paraan para mapaunlad ito?
        - Nagbasa ng libro, sinubukan, sinunod, ginawa yong sabi ng libro.
        - nagtanong sa mga kasamahan sa barko na mas marunong sa akin.


ORLAND ASUQUE
Ordinary seaman

  * What is Seamanship to you?
        Is a skill or knowledge to be learn to become a seafarer. It also a basic foundation of a seafarer to know his/her job onboard.

  * How did you learned?
        I learned it in school and onboard. In school only for foundation And whole onboard is the actual and the knowledge you always do.

  * What actions or method you acquiered for self inhancement?
        For me as a Ordinary Seaman, i improve my seamanship skills by asking the AB's (able seaman or quartermaster), Bosun and officers onboard and also studied what they do and most important is to observed them while they work.

MARLOWE LOZADA
ABLE SEAMAN

  * What is seamanship to you?
        seamanship is the ability of a seafarer to work, handle the ship safety. It requires skills, knowledge and good attitude.

  * How did you learned?
        I, basically learned from school, through trainings, experiences, and experiences of other's which i keenly observed and apply it practically.

  * What actions or method you acquiered for self inhancement?
        By reading books regarding seamanship and, asked questions to the experienced person really helps inhance your ability. But the best to achieve it is by experience because it is a continous learning process.

LEOPAUL SAYAWAN
LICENCED 3rd officer

  * What is seamanship to you?
        It is a practice and the ability of seaman to combine his skills and experiece when handling the ship in any condition at all times. ''GOOD SEAMANSHIP''comes from the inner core attitude of seafarer. As the say, ''Prudent navigator always stay ahead of his vessel''. He always anticipated the behavior of his vessel in all types of situations.

  * How did you learned?
        As every seaman, I do learned my knowledge from school and reading books. At school you learn basic knowledge, after that you go onboard and learned more from experiece at the same time you are developing your skills.

  * What actions or method you acquired for inhancement?
        for our generations, we have lots of methods of how we improve our knowledge. Surfing from internet is thre best and common method. We gathered informations and practice, so it will help you developed more your skills and understanding.  

Sunday, October 23, 2011

SEAMANSHIP



Para sa mga rating na bagito (First timer) sa pagba-barko.


   Ano ba ang SEAMANSHIP? Kailangan ba ito? Gaano ito ka-importante sa barko? sa taga kusina? (Galley), taga makina? (Engine), at taga kuberta? (deck). Ano ba talaga ang magiging trabaho pag dating sa barko?. Alam mo ba? Ilan lang ito sa mga katanungan na nagbibigay ng pagkalito sa isipan, kaba na pumipigil sa atin, at kadalasan nalilimitahan din nito ang ating galaw lalo na't kung hindi natin alam ang mangyayari o kakalabasan sa ating daratnan onboard. 

   Mahirap ang mangapa,ang sabi nga di ba? pero sang ayon ka'man o hindi, normal na nangyayari yon. Sabagay may ugali tayong mga pinoy na bago tayo kumikilos ay pinag aaralan muna natin, nagmamasid sa kapaligiran, at pinag iisipan. Tanggapin na natin yan, lahat nama'y nagsisimula sa walang idea kung ano ang trabahong naghihintay sa barko (Ganito rin ako mag isip noong hindi pa ako nakakasampa). At isa pa hindi tayo kumikilos hangga't hindi tayo sigurado sa ating gagawin di ba?. Yan ang isa sa mga katangian na likas sa 'tin. Kung naniniwala kayo don? Alam ko na magiging ayos ka lang sa ano mang barko, sa cargo, sa passengers, o sa vlcc at tanckers at sa ano mang sitwasyon. Pagtitiwala sa sariling kakayahan At ang importante ay respeto sa mga nauna sayo, sa EXCREW (excrew ang tawag sa mga Officers at ratings na pabalik balik sa barko o sa kaparehong manning agency) Sila ang tutulong, magtuturo, maghuhubog at gagabay sayo. AT kung maganda ang samahan, maganda rin ang kakalabasan At ang lahat nang yon ay papabor sayo. Sa blog na ito, inyong mababasa ang mga sagot sa mga katanunungan at alalahanin sa inyong isipan Lalo't hindi pa nakakasakay ng barko. Tatalakayin ang mga normal na gawain (routine works) at trabahong pangbarko at mga diskarte. Ito'y Para magkaroon kayo ng idea (kodigo na rin) sa mga trabahong barko bago pa man makasampa. kailangan naka handa tayo at always think ''safety first'' ika nga na mga marino. kailangan alamin kung ano ba ang magiging trabaho onboard.  Baka Kasi naka depende lang tayo sa mga kwento ng mga kakilala, kay kuya, tatay, pinsan, uncle, kaibigan at teacher sa school. Na halos lahat nang kanilang kwento ay naka focus sa kani-kanilang magagandang sea experiences at sa mga maga-gandang lugar sa iba't ibang bansa na kanilang napasyalan at siyempre ang nag gagandahang tsiks. Dito palang sa kwentuhang tsiks ay solve na kayo. gugustohin nyo na agad mag seaman, ang iba nama'y gustohing sumampa na para ma-experience ang buhay seaman. Pero teka bago yan, pag usapan muna natin ang mga trabahong naghihintay sayo sa barko. Safety first muna!! Baka uuwi kang may kulang sayo o naka kahon, Wag naman..di ba? Iba kasi ang sa kwento lang at sa tunay na buhay ng isang marino, pwera lang ang kwento sa mga tsiks... kasi Salute ako dyan. dumaan din tayo dyan eh..lol!!! 

  Ok yan na lang muna, marami pa sana akong isi-shared na mga kwento at mga sea experiences at adventures. kaya lang baka lumayo tayo sa topic natin At kung isusulat ko baka gustuhin nyon nang sumampa agad. ganoon?  katindi?  ang hapdi? este, kasarap!!! Sa susunod na lang promise!! kung nagugustuhan nyo ang kwentuhan natin ipo-post ko rin yun in the future. ''buhay marino'' o ''seaventures'' ano ba magandang title? parang mas gusto ko yung seaventures, magandang pakinggan parang movie title di ba? Anyway, Email nyo ako at mag comment at isulat ang gusto nyong topic okay...